?

Log in

psychodramatic intervals of a dick literature enthusiast [entries|archive|friends|userinfo]
i ♥ dicklit

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

The Spires (Vol. 47); page 45 [Mar. 12th, 2009|08:23 am]
i ♥ dicklit
[--- |energeticenergetic]
[--- |"Again & Again," The Bird and the Bee]

link9 comment

Isang muning hatid ng mga awitin ni Donna Cruz [Oct. 31st, 2008|12:58 pm]
i ♥ dicklit
[--- |complacentcomplacent]
[--- |"Isang Tanong, Isang Sagot," Donna Cruz]

Ilang minuto na kong nakaharap sa salamin. Pilit inaayos ang sarili bago umalis ng bahay upang pumasok sa eskwela. Tulad ng karamihan, ginagawa ko itong pang-araw-araw na ritwal. Napansin kong matagal-tagal na rin palang pinapanood ng aking ina ang bawat kilos ko ng mga oras na yon.

"Grabe naman naglagay ka pa ng eyeliner," sabi nya nang magtagpo ang aming mga mata.

"E sa kilay ko naman nilagay e," paliwanag ko. "Uso kaya yon."

Patuloy akong naglagay ng pulbos. Nagmamadali dahil malapit nang mag-alas-nuebe at isang oras pa ang biyahe papuntang Mendiola galing samin.

"Sayo ba yang eyeliner na puti?" tanong nya matapos ang ilang sandali.

Tumingin ako sa lalagyan nya ng make-up. "Alin? Yung Chanel?"

Nagpahid ako ng pulbos sa ilalim ng mga mata sa pag-asang matakpan ang nangingitim kong mga eyebags. Tanging Pond's oil and blemish control lang ang ginagamit ko. Yung tan para mas mukhang natural. Ayoko kasing nahahalatang may nilalagay ako sa mukha ko.

"Oo, bigay sakin yan ng kaibigan ko galing Saudi," pahabol ko. "Wala naman daw gumagamit, e."

Naglagay ako ng wax sa kamay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakahanap ng hair product na bagay sa makapal kong buhok. Hinila ko ang bawat hibla pataas upang makamit ang do na ibig kong i-sport ng araw na yon.

Lumapit sya sa full-body mirror na halos katabi lang ng salaming kaharap ko. Pinanood ko syang tingnan ang sarili mula ulo hanggang paa bago ilipat ang tingin sakin, "bakla ka ba?"

Nasabunutan ko ang sarili sa gulat pero hindi ko ito pinahalata. Mahilig magbintang ang aking ina sa mga kung sinu-sinong lalaki na bading sila kaya't normal na lang na marinig ko ang mga katagang yon mula sa kanya matapos nya kong mahuling naka-eyeliner. Hindi ko sya pinansin at minadali ang pag-aayos ng buhok. Kinumpas-kumpas ko na lang ang aking mga pilik-mata upang malimutan ang kalapastanganang naganap.

"Are you gay?"

Patay tayo dyan. Nag-ingles si ina. Isa lang ang ibig sabihin nito: seryoso at walang bahid ng anumang uri ng pagbibintang ang tanong.



ILU, Donna Cruz!Collapse )
link21 comment

Sa Gitna ng Haraya't Realidad [Jul. 9th, 2008|07:56 pm]
i ♥ dicklit
[--- |naughtymedyo ambisyosa]
[--- |"Time to Pretend," MGMT]

Isang taon na ang nakalilipas nang lumipat ako ng eskwelahan. Dalawampung hakbang lang ang layo nito sa unibersidad na aking pinanggalingan kaya't kung tutuusin, parang lumipat lang din ako ng building.

Hindi pa natatapos ang unang linggo ng klase nang biglang naaburido ang mundo ko. Napag-alaman kong iisa lang pala ang pinapasukan namin ng isa sa mga lalaking halos buong buhay ko nang pinapantasya: si Luke Jickain. Ngunit napag-alaman ko ding hindi pala ~cool~ para sa mga Bedista ang magkagusto sa kanya. At dahil ~cool~ ako, pinilit kong itago na lang sa sarili ang mga pantasyang maraming beses kong pinapaulit-ulit na tila isang pelikula sa aking utak sa tuwing nasisilayan ko ang for layp nyang wankata.

Nais ko munang ibahagi sa inyo ang pantasyang ito na pinamagatang L_KE: All I Need Is U. Pero baka burahin ko din sya dahil nakakasira ng reputasyon.




Ikaapat ng Hulyo, saktong 6:15 ng gabi, naramdaman kong magkakaron ng isang malaking pagcartwheel sa buhay ko. Habang nakikinig sa kwento ng aming guro, bigla akong napalingon sa pinto dahil may kung anong liwanag ang nagmumula rito. Unti-unti itong bumukas at dahan-dahang pumasok ang isang lalaki. Nasilaw ako kaya't kinusot ko muna ang mapupungay kong mga mata at muling tumingin. Unti-unti nang nawala ang ilaw at naging malinaw sakin ang lahat. Sa lalaking iyon nagmumula ang kakaibang liwanag. Napakurot na lang ako sa braso ng aking kaibigan at nasabi ang mga salitang "Putangina, si Luke Jickain!" (I know I totally looked so ~uncool~, pero hindi ko na napigilan e)

Sa mga oras na yon, kasalukuyang ipinapaliwanag ng aming propesor ang irereport namin. Tatluhan daw ito. Sakto! Isa na lang ang kailangan namin at irreg pa sya kaya't wala syang kaibigan. Pwede naman kaming magkasundo ng kaibigan ko na kung may overnight man na magaganap, magiging mitsa ng buhay nya kung makikigulo pa sya samin.

Ayan na, papalapit na sya. Umupo sya sa likod namin! Hermaygaaad. Parang gusto ko nang tumakbo papuntang Abbey upang magpasalamat sa Diyos nang bigla kong napansin ang kasama nya.

Okey lang. Si Luke Jickain lang yan. Marami pang mas pogi.

Sumuko na ko at nagpatuloy na lang sa pakikinig. May 'konting' panghihinayang pero ayos lang. Ayos lang talaga. Hinintay ko na lang ang pagdating samin ng papel kung saan isusulat ang mga grupo. Pagdating nito, puno na lahat. Merong mga tigdadalawa lang pero nakakalungkot naman kung magkakahiwalay kami ng pinakamamahal kong kaibigan. Hanggang sa nakita kong nangangailangan pa ng isang miyembro si Luke at ang kaibigan nya.

Tila bumukas muli ang pintuan ng langit. Wala na kong pakialam sa mararamdaman ng kaibigan ko basta iiwanan ko sya sa ere. Nagmistulan akong bingi sa mga sama ng loob nya, ipagpapalit ko lang naman daw pala sya sa kung sinu-sinong lalaki. Syempre't ginamit ko na naman ang linya kong "Ano ba? Dyan ba nasusukat ang pagkakaibigan natin?" With matching galit-galitan factor pa ito.

Hanggang sa dumating na ang oras upang ipakilala ang sarili sa kanila. Slow motion akong naglakad patungo sa kanilang kinauupuan. "Ahmmm.. ano kasi e.. wala na pong ibang group kaya sa inyo po ako napunta." (Maang-maangan ang bakla)

Ngumiti sya at sinabing, "Nako boss bata pa po kami." Nakatitig lang ako sa kanya na may blangkong mukha. Pinagnilay-nilayan ang kanyang sinabi. Aaaaah joke yon! Nagjoke sya. Agad kong inutusan ang sarili na tumawa.

"Ahihihi.. Ano ba?!? Ang joker mo talaga!! Hihihi.. Halika nga dito," sabay kurot sa pisngi.

Pero syempre sa isip ko lang naganap ang lahat ng yan. Dapat munang panatilihin ang 'straight' kong imahe sa kanya. Dahil parang panaginip lang ang konbersasyong yon, hindi na malinaw sakin ang bawat salitang aming pinagsaluhan. Wala nang ibang magawa ang bahay-bata ko kundi ang magtubig nang magtubig. Gustong-gusto ko nang isayad ang uhaw kong dila sa facial hair nyang super sexay. Nakikinig lang ako sa kanya. Basta lahat ng sinabi nya joke. Nakakatawa naman, infairness. O baka kasi pogi lang sya. Kayo na ang humusga.

Bago matapos ang usapan at lumabas sa silid, biglang humampas sa utak ko ang pribilehiyong nakamit ko dahil sa pagiging magkagrupo namin. "Pwede po bang makuha yung number nyo?" walang-pagdadalawang-isip kong tinanong. "Gusto mo text-text tayo tuwing umaga?"
AY PUTANGINA, MAGKAMATAYAN NA TAYO SINABI NYA TALAGA YAN!

Umiikot na ang gulong ng palad. Unti-unti nang naisasakatuparan ang itinakda. Ang problema ko na lang talaga e kung paano 'to hahantong sa sex. Pero anuman ang mangyari ito lang ang tatandaan mo Luke Jickain, gaya ng sinabi ko mahigit siyam na buwan na ang nakakaraan, hangga't iisa ang eskwelahang ating pinapasukan, hindi ka pa rin mananatiling ligtas.
link26 comment

Oops, wrong number [Mar. 25th, 2008|10:21 pm]
i ♥ dicklit
[--- |ditzyholy varicocele!]
[--- |"Soda Shop," Jay Brannan]

Matapos ang halos isang taong pagpapaliwanag sa lahat na ang luslos ay hindi paglaki ng isa sa dalawang balls ng isang lalaki kundi ang pagbaba lamang ng mga nilalaman ng abdomen papunta sa tabi ng mga balls ng isang lalaki, natuklasan kong wala naman pala ako nito.

Inuulit ko: Wala akong luslos o, para mas masarap namang pakinggan sa parte ko, hernia.



(isang mahabang katahimikan upang magmuni)




Sa tuwing binabanggit ko ang salitang 'luslos,' madalas akong nakakarinig ng tawa. Minsan mahina lang ito kung hindi pa kami masyadong close ng taong pinagsasabihan ko at wala pa syang karapatang kutyain ako ng harap-harapan. Ngunit kadalasan, nakakaranas ako ng mga pagtawang umaalingawngaw sa kaibuturan ng aking pagkatao at nanunuot hanggang sa aking mga buto. Kinakailangan ko pa silang saktan sa anumang pisikal na paraan habang ipinapaliwanag na nakamamatay ito kaya't hindi dapat pinagtatawanan.

Hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin dahil sa takot na ma-strangulate ito at hindi na maagapan. Ayokong mamatay sa ganong paraan kaya't hangga't maaari ay iniiwasan ko ang mga gawaing gaya ng pagtakbo, pagbubuhat ng mabibigat, at ang mga mahahalay na eksenang maaaring naiisip mo ngayon. Pinapanood ko na lang ang unti-unti kong pagtaba sa harap ng salamin sa kadahilanang hindi ako maaaring mag-ehersisyo.

Halos isang taon kong nagawang bunuin ang lahat ng yan kaya't hindi ko alam kung matutuwa ba ko nang sabihin ng doktor na wala akong luslos matapos niyang salat-salatin ang aking 'danger zone.' Sa halip, ako daw ay may varicocele (ayoko nang ipaliwanag kung ano pa ito, i-wiki na lang kung gustong magkaroon ng ideya kung ano ang itsura nito *kindat*).

Merong usap-usapan, pero usap-usapan lang naman, walang pruweba, in short, tsismis, na nababaog daw ang mga may varicocele. Isang tumataginting na "ah ok" lang ang nasambit ko nang ipinaliwanag sakin ito ng doktor dahil alam ko namang hindi ako magkakaanak. Syempre gusto ko rin namang magkaroon ng anak na talagang galing sakin pero mangyayari lang naman yon kung makikipagtalik ako sa isang babae na sigurado naman akong hindi maisasakatuparan kailanman.

Pagkatapos ng naganap na salatan, tinawag ng doktor ang aking ina at nakatatandang kapatid na babae upang ipaliwanag ang aking kalagayan. Nabanggit din ang tsismis tungkol sa maaaring pagkabaog kaya't tinanong ako ng doktor tungkol rito. "Nagkakaron ka pa rin naman ng erection diba? Kapag nakikita mo si.. (nag-isip ng matagal) ..Angel Locsin?" Ginalugad ko ang kasuluksulukan ng sabsaban ng aking ala-ala dahil baka sakaling nangyari nga ito minsan sa aking buhay. Nakatingin silang lahat sakin habang naghihintay ng sagot kaya masyado akong na-pressure. Sabi ko na lang, "Mmmmmmmmmmmm.. (nag-isip ng mas matagal) ..mmmmmmmmm syempre?"



Sa lahat ng mga walang pusong taong tumawa: Mga ulupong, sinong may luslos ngayon?
link25 comment

Katampalasan ng isang babaeng Bedista [Nov. 10th, 2007|01:02 am]
i ♥ dicklit
[--- |gigglygiggly]
[--- |"All That Jazz," Chicago]

Ang babaeng inakala kong makakapagpabago sa nakagisnan kong pamumuhay. Isang babaeng inakala kong magtutulak sakin upang talikdan ang makasalanang mundo ng homosekswalidad. Ang natatanging babaeng nagdulot sa akin ng panandaliang pag-asa na magagawa kong tuluyang itapon ang buhay na pinag-aralan kong tanggapin sa loob ng napakahabang panahon.

Pamela Santos To-ong. Ikaw at ang malaki mong dibdib, na hindi pa pumapalya sa pagpukaw ng aking atensyon ngunit hindi ang aking imahinasyon, ay walang katulad.

Ang mukha mong hindi ka binigo sa pagkubli ng tunay mong edad ay ang mukhang gugunamgunamin ko sa tuwing ako'y magpapasalamat sa desisyon kong lumipat sa kolehiyo kung saan tayo nagkadaupang-palad.

Natutunan na kitang mahalin sa sandaling panahong tayo'y magkakilala. At ang iilan ngunit maliligayang sandaling ating pinagsaluhan ay mataman kong ikakanlong at aariing salik ng aking pagkatao.

Binago mo ang konsepto ko tungkol sa mga kababaihan. At wala kang ideya sa dami ng naituro mo sakin tungkol sa buhay. Kaya't ipinapangako ko sayo na sa oras na tuluyan ko nang niyakap ang malumbay na ideya ng pagiging tunay na lalaki, agad kitang hahanapin at aalukin ng kasal.


Tunghayan ang kabuuan ng lovestory naming dalawa
mula sa point of view nya:

I nearly dropped my cell. OMG! He was referring to Paolo, and based on his message, he's well... ahh... you know.... But i didn't want to jump into conclusions so I quickly sent him a reply, 'Huh? Bakit? Bading ka ba???'Collapse )


I lab you, Pam! Sayang naman at hindi tayo pwedeng magkatuluyan. :D
link35 comment

Be Anonymous, or else [Sep. 23rd, 2007|07:50 pm]
i ♥ dicklit
[--- |optimisticoptimistic]
[--- |"Dakota," Stereophonics]

Hindi ko na alam kung anu-ano ang mga tumatakbo sa utak ko matapos na halos sabay naming buksan ang pintuan ng palikuran. Habang nilalanghap ang amoy ng pabangong naiwan sa kanyang pagdaan, sabay-sabay na naglaro sa isip ko ang maruruming bagay na maaari kong gawin ngayong dalawa lang kaming nasa loob.

Iisang bagay lang ang namumukud-tanging malinaw sa aking isipan: kapag ito lang umihi sa urinal, dedma na sa baranggay, sisipatin ko talaga ang sukdulang maaabot ng aking pagtanaw.

Musika sa pandinig ko ang kalansing na likha ng hinuhubad na sinturon. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagbabalik-tanaw sa araw na napilitan akong bumili ng bulaklaking brief sa Bench nang dahil lang sa nakalakip na litrato ng halos hubad nyang katawan.

Mapatalsik na sa eskwelahang ito ang dapat mapatalsik pero kailangan ko talagang tugunan ang nagsusumigaw na pagnanasang unti-unting bumabalot sa buo kong pagkatao.

Hanggang sa pumasok ang isang grupo ng mga pinutang lalaki na walang kamalay-malay na sumisira sa pangarap ng isang taong walang ibang hinangad kundi ang lumigaya. Wala na kong magagawa, pumasok na sya sa cubicle. Naisip kong tumuntong na lang sa kabilang toilet ngunit mas minabuti ko na lang ang sumuko. Pumikit, nagbuntung-hininga, at pinaulit-ulit sa sarili na hindi ang pagsunod sa pita ng laman ang magbibigay sakin ng ganap na kaligayahan.

Pero syempre, kalokohan lang yon. Pagtitiyagaan ko na lang muna ang larawan nyang nakatago sa ilalim ng aking kama.

Basta't ito lang ang tatandaan mo Luke Jickain, hangga't iisa ang eskwelahang pinapasukan natin, hindi ka pa rin mananatiling ligtas.
link25 comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]