?

Log in

No account? Create an account
psychodramatic intervals of a dick literature enthusiast [entries|archive|friends|userinfo]
i ♥ dicklit

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Be Anonymous, or else [Sep. 23rd, 2007|07:50 pm]
i ♥ dicklit
[--- |optimisticoptimistic]
[--- |"Dakota," Stereophonics]

Hindi ko na alam kung anu-ano ang mga tumatakbo sa utak ko matapos na halos sabay naming buksan ang pintuan ng palikuran. Habang nilalanghap ang amoy ng pabangong naiwan sa kanyang pagdaan, sabay-sabay na naglaro sa isip ko ang maruruming bagay na maaari kong gawin ngayong dalawa lang kaming nasa loob.

Iisang bagay lang ang namumukud-tanging malinaw sa aking isipan: kapag ito lang umihi sa urinal, dedma na sa baranggay, sisipatin ko talaga ang sukdulang maaabot ng aking pagtanaw.

Musika sa pandinig ko ang kalansing na likha ng hinuhubad na sinturon. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagbabalik-tanaw sa araw na napilitan akong bumili ng bulaklaking brief sa Bench nang dahil lang sa nakalakip na litrato ng halos hubad nyang katawan.

Mapatalsik na sa eskwelahang ito ang dapat mapatalsik pero kailangan ko talagang tugunan ang nagsusumigaw na pagnanasang unti-unting bumabalot sa buo kong pagkatao.

Hanggang sa pumasok ang isang grupo ng mga pinutang lalaki na walang kamalay-malay na sumisira sa pangarap ng isang taong walang ibang hinangad kundi ang lumigaya. Wala na kong magagawa, pumasok na sya sa cubicle. Naisip kong tumuntong na lang sa kabilang toilet ngunit mas minabuti ko na lang ang sumuko. Pumikit, nagbuntung-hininga, at pinaulit-ulit sa sarili na hindi ang pagsunod sa pita ng laman ang magbibigay sakin ng ganap na kaligayahan.

Pero syempre, kalokohan lang yon. Pagtitiyagaan ko na lang muna ang larawan nyang nakatago sa ilalim ng aking kama.

Basta't ito lang ang tatandaan mo Luke Jickain, hangga't iisa ang eskwelahang pinapasukan natin, hindi ka pa rin mananatiling ligtas.
linkReply

Comments:
[User Picture]From: aliwally
2007-09-23 12:01 pm (UTC)
Sayang naman. Abangan mo na lang siya parati, para masaya. Magiging stalkerita ka. Hahaha

Ba't 'di ko kailanman pwedeng makasabay sa C.R. ang mga, hmm, nevermind. :D
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-23 12:13 pm (UTC)
Balita ko lagi syang absent e, dahil siguro sa pagmomodelo. Pero kung nasa school sya, madali lang makita dahil para syang nagliliwanag sa sobrang kagwapuhan. =D

At anong kahalayan naman yang gusto mong sabihin? Ituloy mo na dali!
Hindi bawal ang magbastusan sa entry na ito. =))
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: aliwally
2007-09-23 12:21 pm (UTC)
Baka naman maputi lang. Sows. Hahaha

Hoy! Hindi ako bastos a. Isang tao lang naman ang gusto kong silipan talaga e. Guess whooo. Lalala.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-23 12:25 pm (UTC)
Hindeee, sobrang gwapo nya talaga. Wala kang choice kundi ang maelya.

Mmmm. Ako ba yon? Haha.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: aliwally
2007-09-23 12:26 pm (UTC)
HOMAYGAAAAAD.

Ayaw na maalis sa utak ko! How dare you put that image in my head?!! You and your hairy legs and whatnot. Nooooooooo!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-23 12:32 pm (UTC)
Biiitch
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: tootsierolle
2007-09-23 12:10 pm (UTC)
May evil laughter ba pagkatapos ng last sentence ng post mo?
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-23 12:21 pm (UTC)
Hahaha! Ba't mo alam?! Ang galing mo naman, meron yan talaga kanina tinanggal ko lang kasi mukhang sobrang hayok na yung dating ko e.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: migoyski
2007-09-24 04:42 am (UTC)

PANALO!

OMG!

Isa nanamang katuwa-tuwang likhain mula sa iyo!

Hahaha!

Saan ba at ano ang paaralang pinapasukan ninyo?

Pinipilit kong makasabay si Enchong Dee (na mas babae pa sa akin, LOL) kahit man lang sa palikuran, ngunit, subalit, (datapwat), hindi pa rin ito nangyayari. Nakasabay ko lamang siya noong World Literature class ko..leche...hahaha
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-26 08:27 am (UTC)

Re: PANALO!

Salamat, salamat. Haha. Sa pugad ng lahat ng klase ng kabaklaan kami nag-aaral, San Beda.

Teka, teka! Bektas din si Enchong Dee?! Haaay, napakasarap talagang mabuhay. =))
(Reply) (Parent) (Thread)
From: migoyski
2007-09-27 12:47 am (UTC)

Re: PANALO!

AAAAHHHHHH pugad nga! Ako naman ay nanggaling din sa isang "factory" ng mga Beky, Don Bosco Technical Institute. LOL!

Nako, mas bektas pa sa akin yun! Ngunit, subalit, talaga namang malinamnam siya.

Gaano nga ba siya kasarap?

HINDI MO NA KAILANGAN NG EXTRA RICE!

LMAO!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-27 07:12 am (UTC)

Re: PANALO!

HAHAHA! Naloka naman ako sa FACTORY.

Out sya sa buong La Salle? Ansaya naman. Basta hihintayin ko ang post mo tungkol sa mangyayari pag nagkasabay na kayo sa palikuran a. =D
(Reply) (Parent) (Thread)
From: polkadottedsoap
2007-09-24 01:48 pm (UTC)
Ba't hindi ko siya kilala?! Kala ko nung una, siya yung kay Aiko Melendez (haha!) pero hindi e! (Nga ba?!)
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-26 08:58 am (UTC)
Kapatid sya ng asawa ni Aiko Melendez. Hehe.

Sya yung nasa commercial ng, mmm, basta yung parang may hawak sya na chorvang tv. =D
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: jeizy
2007-09-26 10:31 am (UTC)
wow taray may mga pagnanasa hehe
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-27 07:16 am (UTC)
Hindi lang ito basta-basta pagnanasa, ning.

Ngayon ko nga lang naisip na sana sumulyap lang ako kahit sandali. E pwede naman akong tumakbo ng mabilis pagkatapos diba? Alangan namang habulin nya ko habang umiihi sya. Sayang talaga. =(
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2007-09-26 04:00 pm (UTC)
huli ka! ayos na ang laptop ko oye! :P ikaw ikaw ikaw...napaka-HALAY MO. dali magsabay taung ol may kwento ako sayo. BWAHAHA! miss kita leche.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-27 07:22 am (UTC)
Nako nako nako alam ko yang mga tawang BWAHAHA na ganyan.
Mukhang alam ko na ang ikukwento mo at talaga naman excited na ko, BWAHAHA! =))
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2007-09-27 10:00 am (UTC)
hoy andres saluta. ol ako at ol ka. pero di ka nagrereply. kukurutin ko hernia mo :P hehehe
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-27 12:58 pm (UTC)
Hoy magpapa-opera na ko kaya't hindi mo na ko masisindak, wala ka nang herniang kukurutin! :D
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: emoticka
2007-09-27 08:16 am (UTC)
wahahahaha! di ko kinaya 'tong post mo drew! puwedeng gawing indie film ang kuwento mo.. matatalbugan nito ang pagdadalaga ni maximo oliveros! :D
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2007-09-27 01:35 pm (UTC)
Hahaha, indie film talaga? Di pwedeng gastusan ng malaki? =))

Siguro kung dati ko pa to sinulat hindi ko to ipopost kasi mahihiya ako sayo.
Pero ngayon, wala nang hiya-hiya dahil super close na tayo.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2007-09-27 08:16 am (UTC)
wahahahaha! di ko kinaya 'tong post mo drew! puwedeng gawing indie film ang kuwento mo.. matatalbugan nito ang pagdadalaga ni maximo oliveros! :D
(Reply) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-06-29 02:46 am (UTC)

----ampotah

luke BAKLITA KA!!!!!!!!!!!
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-06-29 11:27 am (UTC)

Re: ----ampotah

Sana nga! Pero sino ka muna?
(Reply) (Parent) (Thread)