?

Log in

No account? Create an account
psychodramatic intervals of a dick literature enthusiast [entries|archive|friends|userinfo]
i ♥ dicklit

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Oops, wrong number [Mar. 25th, 2008|10:21 pm]
i ♥ dicklit
[--- |ditzyholy varicocele!]
[--- |"Soda Shop," Jay Brannan]

Matapos ang halos isang taong pagpapaliwanag sa lahat na ang luslos ay hindi paglaki ng isa sa dalawang balls ng isang lalaki kundi ang pagbaba lamang ng mga nilalaman ng abdomen papunta sa tabi ng mga balls ng isang lalaki, natuklasan kong wala naman pala ako nito.

Inuulit ko: Wala akong luslos o, para mas masarap namang pakinggan sa parte ko, hernia.



(isang mahabang katahimikan upang magmuni)




Sa tuwing binabanggit ko ang salitang 'luslos,' madalas akong nakakarinig ng tawa. Minsan mahina lang ito kung hindi pa kami masyadong close ng taong pinagsasabihan ko at wala pa syang karapatang kutyain ako ng harap-harapan. Ngunit kadalasan, nakakaranas ako ng mga pagtawang umaalingawngaw sa kaibuturan ng aking pagkatao at nanunuot hanggang sa aking mga buto. Kinakailangan ko pa silang saktan sa anumang pisikal na paraan habang ipinapaliwanag na nakamamatay ito kaya't hindi dapat pinagtatawanan.

Hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin dahil sa takot na ma-strangulate ito at hindi na maagapan. Ayokong mamatay sa ganong paraan kaya't hangga't maaari ay iniiwasan ko ang mga gawaing gaya ng pagtakbo, pagbubuhat ng mabibigat, at ang mga mahahalay na eksenang maaaring naiisip mo ngayon. Pinapanood ko na lang ang unti-unti kong pagtaba sa harap ng salamin sa kadahilanang hindi ako maaaring mag-ehersisyo.

Halos isang taon kong nagawang bunuin ang lahat ng yan kaya't hindi ko alam kung matutuwa ba ko nang sabihin ng doktor na wala akong luslos matapos niyang salat-salatin ang aking 'danger zone.' Sa halip, ako daw ay may varicocele (ayoko nang ipaliwanag kung ano pa ito, i-wiki na lang kung gustong magkaroon ng ideya kung ano ang itsura nito *kindat*).

Merong usap-usapan, pero usap-usapan lang naman, walang pruweba, in short, tsismis, na nababaog daw ang mga may varicocele. Isang tumataginting na "ah ok" lang ang nasambit ko nang ipinaliwanag sakin ito ng doktor dahil alam ko namang hindi ako magkakaanak. Syempre gusto ko rin namang magkaroon ng anak na talagang galing sakin pero mangyayari lang naman yon kung makikipagtalik ako sa isang babae na sigurado naman akong hindi maisasakatuparan kailanman.

Pagkatapos ng naganap na salatan, tinawag ng doktor ang aking ina at nakatatandang kapatid na babae upang ipaliwanag ang aking kalagayan. Nabanggit din ang tsismis tungkol sa maaaring pagkabaog kaya't tinanong ako ng doktor tungkol rito. "Nagkakaron ka pa rin naman ng erection diba? Kapag nakikita mo si.. (nag-isip ng matagal) ..Angel Locsin?" Ginalugad ko ang kasuluksulukan ng sabsaban ng aking ala-ala dahil baka sakaling nangyari nga ito minsan sa aking buhay. Nakatingin silang lahat sakin habang naghihintay ng sagot kaya masyado akong na-pressure. Sabi ko na lang, "Mmmmmmmmmmmm.. (nag-isip ng mas matagal) ..mmmmmmmmm syempre?"



Sa lahat ng mga walang pusong taong tumawa: Mga ulupong, sinong may luslos ngayon?
linkReply

Comments:
[User Picture]From: aliwally
2008-03-25 03:48 pm (UTC)
Tangina mo, wala ka naman palang luslos, nagpapanggap ka lang. Hahaha

Dapat ba kitang i-congratulate dahil wala kang LUSLOS? Parang hindi rin naman ok na may varicocele ka. Hmmm, winiki ko na.

"Upon palpation of the scrotum, a non-tender, twisted mass along the spermatic cord is felt (it feels like a bag of worms.)" YUCKY! Ganyan yung nararamdaman mo?!

Yes naman, Angel Locsin pala a. HAHAHA.

(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-25 04:03 pm (UTC)
E nakatulong naman sya dahil hindi ako inuutusang magtrabaho sa bahay. Atsaka gusto ko ba to? Tangina mo rin pala. :)

How dare you?! Kaya nga ayokong ipaliwanag kung ano sya e. Hahaha. Pero hindi naman parang mga bulate! More like medyo malalaking veins. May mga ganyan ka din sa loob ng katawan mo gagu.

Oo naman, libog na libog nga ako kay Angel Locsin e.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: lunarpunch
2008-03-26 01:19 am (UTC)
Sooo, tuloy parin ba ang iyong operasyon? Para iwas sa kung hindi man infertility e testicular atrophy naman?

Sorry pala kung sinabi kong tumaba ka. T_T
At kung tinawanan man kita.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-26 02:35 pm (UTC)
Ewan lang. Naibili ko na ng mga damit at sapatos yung perang pambayad sa pagpapaopera e. Haha. Siguro papaoperahan ko din sya sa takdang panahon.

Anukaba?! Hindi ko na nga yun naaalala e. Atsaka totoo namang tumaba ako ano. At isa pa, isa ka sa mga taong nakapagpalakas ng loob ko nung mga panahong takot na takot ako dahil dito. Baka hindi mo na naaalala yung mga sinabi mo, basta nakakatouch sila. :)
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2008-03-26 11:59 am (UTC)
PUTANGENA HANDREW!!!=)) natawa naman ako sa "nagkaka-erection ka naman pag naiisip mo si angel locsin diba?" =)) =)) (last one) =))!

ayan mejo oks na ko. sorry na please kung tinatawanan ko yung luslos mo. atleast hindi yun. haylabyu!!! buti wala kang luslos, varicocele lang whatever that means. ayoko na iwiki dahil tinatamad ako. saka na kita aasarin pag sinipag na ko magwiki. joooooke! :D missyou!!!!
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-26 02:45 pm (UTC)
Ay jusko, baka maduraan ko lang si Angel Locsin kapag naghubad sya sa harap ko. Haha.

Herniaaaaa, alam mo bang ikaw ang una kong naisip nung nalaman kong wala akong hernia? Parang nawalan na ng saysay ang term of endearment ko sayo. Nakakalungkot. Pero may luslos man o wala, ikaw pa rin ang Hernia ko.

Wala kang dapat ipag-alala sa lahat ng mga pagtawang ginawa mo. Haylabyu too pa rin! Pero syempre, tutuparin ko pa din ang pinramis kong paghambalos sa mga booblets mo.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2008-03-27 03:28 pm (UTC)
Wahaha tarantado! Buti wala kang hernia. deadly yun e, at ayoko naman na ma-deads ka kagad. nooo! :( Hahaha oo na, ako na si HERNIA mo. Hangga't andito ako, may hernia ka wahaha! :)) Nako nako asan na ba yung pinagusapan natin ha? (parang epektos lang :P) Para di mo na asarin ang booblets ko. Amp!:P Ipapakilala parin kita kay dreen kahit hambalusin mo booblets ko na soon-to-be THE BOOBS na. wahahaha joke!!!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-29 12:10 pm (UTC)
Nakooo hanggang ngayon pala hindi ko pa nabibigay sayo ang mga epektos. E kasi naman hindi tayo nagkikita e! Bumili ka na lang muna ngayon kung gusto mong mapabilis ang pag-eevolve ng mga booblets mo. At kahit naman hindi mo ko ipakilala kay Dreen, ipapakilala ko na lang yung sarili ko sa kanya. Wala syang ligtas saken.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-04-28 06:42 pm (UTC)

hi there..

hello there..would you mind if i will ask some questions to you bout varicocele..me too. im suffered from varicocele and want to know ur current situation facing this matter..this is my emal add- rjay_0787@yahoo.com

i hope u will leave me a msg ASAP.. want to talk to u w/ regards on it..tnks...
(Reply) (Parent) (Thread)
From: migoyski
2008-03-26 01:18 pm (UTC)
Aba! Ako nga din! Baka maya-maya meron akong hernia!
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-26 02:37 pm (UTC)
Nako baka nga.. ipasalat mo na yan sa mga 'eksperto' sa lalong madaling panahon!
(Reply) (Parent) (Thread)
From: polkadottedsoap
2008-03-26 02:33 pm (UTC)
Sorry, wala akong puso at tumawa ako! Si Angel Locsin kasi e!
Kahit may varisomething ka, buti na lang wala kang hernia! :)
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-26 02:54 pm (UTC)
Haha! Hindi naman yon ang ibig kong sabihin, si Angel Locsin talaga o! :D
Oo nga e.. natatakot akong magpaopera. Pero mas namamayani ang kahihiyan dahil syempre hubo't hubad akong ooperahan. Eeek! Buti hindi natuloy! Salamat, Claud.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-03-28 10:55 am (UTC)

^^

sa iyong varicocelectomy, naka expose din ang iyong genitalia. =) konti lang naman silang makakakita nyan eh. 5 lang naman sila... kung isa lang ang intern na MD ha... at kung walang estudyante. =)
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-29 12:14 pm (UTC)

Re: ^^

Nooooooooo! Ba't andami nila?! Wala silang karapatang manood habang binubuksan ang aking groin. :(

Mmmm sino ka nga pala? Salamat sa impormasyon. :D
(Reply) (Parent) (Thread)
From: jamapajama
2008-03-29 12:14 pm (UTC)
Ako din natawa talaga ako... Oh Andrew.

Mabuti naman ata wala kang Luslos (siyempre ngayon ko lang nalaman na yun pala ang tagalog ng Hernia) Medyo nashock nga ako nung nabasa ko. Ahahhaah. Masnashock pa ata ako kesa nung nalaman ko na may hernia ka in the first place. hehe.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-03-29 01:56 pm (UTC)
Hahaha. Oh Jama. Hindi mo pala alam kung ano yung hernia kung gayon. Parang feeling ko (pero feeling ko lang naman) yung Hernia at Varicocele ay mga pang-mayaman na sakit dahil sa tunog nila. Pero pang-kargador talaga sila sa totoong buhay.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-04-28 06:44 pm (UTC)

hi there..

hello there..would you mind if i will ask some questions to you bout varicocele..me too. im suffered from varicocele and want to know ur current situation facing this matter..this is my emal add- rjay_0787@yahoo.com

i hope u will leave me a msg ASAP.. want to talk to u w/ regards on it..tnks...
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-04-29 07:39 am (UTC)

Re: hi there..

Oh sure! Pagdiskusyonan natin yan sa lalong madaling panahon. Ansayang malaman na meron pala kong pwedeng makausap tungkol sa varicocele. :D
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-04-30 12:19 am (UTC)

Re: hi there..

oh yah dont worry hindi lang nman teo ang nagsuffered sa varicocele..and one thing also di dapat ikahiya kung may varicocele ka..dahil di nman ntin to gunusto e..and hnidi nman ito grabe k2lad nung iniicip nung iba..
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-04-30 09:09 am (UTC)

Re: hi there..

Oo nga, good thing hindi sya nakamamatay. Tsaka 15% ng mga kalalakihan ay may varicocele, hindi lang nila alam.

Nagmessage nga pala ko sayo sa friendster.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-09-02 03:46 pm (UTC)

ako to

"Nagkakaron ka pa rin naman ng erection diba? Kapag nakikita mo si.. (nag-isip ng matagal) ..Angel Locsin?" Ginalugad ko ang kasuluksulukan ng sabsaban ng aking ala-ala dahil baka sakaling nangyari nga ito minsan sa aking buhay. Nakatingin silang lahat sakin habang naghihintay ng sagot kaya masyado akong na-pressure. Sabi ko na lang, "Mmmmmmmmmmmm.. (nag-isip ng mas matagal) ..mmmmmmmmm syempre?"



buwahahahhahahahahahha..... pero dahil medyo late na isang mahinang bungisngis na lang aking nailabas. tangina mo salut.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-09-10 04:01 am (UTC)

Re: ako to

Oo gaga antagal na nito a! Dumalaw ka kasi ng mas madalas dito sa blog ko. Mga once a month ganon.
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-11-14 10:07 am (UTC)
nakaktawa ka talaga BFF!haha
naintriga lang ako ha, anong nramdaman mo nung sinalat ng doktor yung ano mo?hehe
saka angkulet oh, angel locsin daw oh!haha
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-15 02:12 am (UTC)
Ahihihi salamat, BFF! Hindi ko masyadong naenjoy yung salatan portion kasi nag-aalala ko sa mga ibabalita nya sakin pagkatapos. Tsaka antanda na nya e, ano burrr. Angel Locsin forever.
(Reply) (Parent) (Thread)