?

Log in

No account? Create an account
psychodramatic intervals of a dick literature enthusiast [entries|archive|friends|userinfo]
i ♥ dicklit

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Isang muning hatid ng mga awitin ni Donna Cruz [Oct. 31st, 2008|12:58 pm]
i ♥ dicklit
[--- |complacentcomplacent]
[--- |"Isang Tanong, Isang Sagot," Donna Cruz]

Ilang minuto na kong nakaharap sa salamin. Pilit inaayos ang sarili bago umalis ng bahay upang pumasok sa eskwela. Tulad ng karamihan, ginagawa ko itong pang-araw-araw na ritwal. Napansin kong matagal-tagal na rin palang pinapanood ng aking ina ang bawat kilos ko ng mga oras na yon.

"Grabe naman naglagay ka pa ng eyeliner," sabi nya nang magtagpo ang aming mga mata.

"E sa kilay ko naman nilagay e," paliwanag ko. "Uso kaya yon."

Patuloy akong naglagay ng pulbos. Nagmamadali dahil malapit nang mag-alas-nuebe at isang oras pa ang biyahe papuntang Mendiola galing samin.

"Sayo ba yang eyeliner na puti?" tanong nya matapos ang ilang sandali.

Tumingin ako sa lalagyan nya ng make-up. "Alin? Yung Chanel?"

Nagpahid ako ng pulbos sa ilalim ng mga mata sa pag-asang matakpan ang nangingitim kong mga eyebags. Tanging Pond's oil and blemish control lang ang ginagamit ko. Yung tan para mas mukhang natural. Ayoko kasing nahahalatang may nilalagay ako sa mukha ko.

"Oo, bigay sakin yan ng kaibigan ko galing Saudi," pahabol ko. "Wala naman daw gumagamit, e."

Naglagay ako ng wax sa kamay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakahanap ng hair product na bagay sa makapal kong buhok. Hinila ko ang bawat hibla pataas upang makamit ang do na ibig kong i-sport ng araw na yon.

Lumapit sya sa full-body mirror na halos katabi lang ng salaming kaharap ko. Pinanood ko syang tingnan ang sarili mula ulo hanggang paa bago ilipat ang tingin sakin, "bakla ka ba?"

Nasabunutan ko ang sarili sa gulat pero hindi ko ito pinahalata. Mahilig magbintang ang aking ina sa mga kung sinu-sinong lalaki na bading sila kaya't normal na lang na marinig ko ang mga katagang yon mula sa kanya matapos nya kong mahuling naka-eyeliner. Hindi ko sya pinansin at minadali ang pag-aayos ng buhok. Kinumpas-kumpas ko na lang ang aking mga pilik-mata upang malimutan ang kalapastanganang naganap.

"Are you gay?"

Patay tayo dyan. Nag-ingles si ina. Isa lang ang ibig sabihin nito: seryoso at walang bahid ng anumang uri ng pagbibintang ang tanong.



*Isang tanong, isang sagot. Wala na ngang ikut-ikot. Gusto ko lang liwanagin..*

Habang naghahagilap ng hangin sa loob ng siksikang dyip patungong Recto, mabagal na nagmaneho ang drayber sa saliw ng mga remix na awitin ni Donna Cruz. Tila sumakto ang lyrics ng kanta sa mga kaganapang nangyari ilang sandali pa lang ang nakalilipas. Noon ko lang nalaman ang pagkasabik ko sa muling pakikinig sa pamilyar na boses na ito. Pumikit ako at hinayaan ang sariling maanod pabalik sa mga ala-ala ng aking kabataan. Nag-umpisa sa isang eksenang nakikipag-away ako sa isang pinsang babae dahil pinipilit nyang mas magaling si Tootsie Guevarra kesa sa diyosang si Donna Cruz.

"Antanga-tanga mo talaga! Mas maganda si Donna Cruz, o!" sambit ko habang sinasampal sa kanya ang casette tapes ng mga bilat. "Tsaka ang galing kaya nyang umarte sa Do Re Mi," na may pahabol pang irap.

Dahil ako ang pinakamatanda sa aming mga nakababatang miyembro ng angkan, at sunud-sunuran silang lahat sakin, alam nyang hindi makabubuti sa kanya na pabulaanan ang mga sinasabi ko. Kaya't iniba na lang nya ang usapan.

"Bading ka ba kuya?"

"Wag ka nang makahiram-hiram ng mga paper doll ko a!"



Speaking of paper dolls, isa sa mga pinakamalalaking dagok ng kabataan ko ang kawalan ng Barbie. Kung tutuusin talaga, hindi naman ako interesado kay Barbie. Ang weird ng feeling na pag hinubaran mo sya, wala syang utong. Kay Ken. Kay Ken talaga ko nanghihinayang. Sa tuwing tinatanggalan ko sya ng damit, parang may kung-anong kapangyarihan akong nararamdaman. Pwedeng-pwede kong gawin ang anumang naisin ko sa kanya. Marahil ganito naman ang nararamdaman ng lahat kaya sila naglalaro ng manika. Pero kakaiba talaga pag si Ken na ang nilalaro ko, e. May init.

Noong ikawalo o ikasiyam kong kaarawan, natural lang na may handaan. Nilapitan ako ng isang tiya habang pinipilit kong isuot sa regalo nyang Masked Rider action figure ang isa sa mga gown ni Barbie. Nginitian ko sya ng isang ngiti ng batang lubos ang ligaya sa araw ng kanyang birthday at sinabing, "Tita, sa susunod regaluhan mo naman ako ng lalaking Barbie a!"

Tandang-tanda ko ang mukha nya nang mag-umpisang mabuo dito ang isang ngiti. Isang ngiti na, ngayong may muwang na ko, alam kong may malisya. Agad syang tumayo at hinanap ang aking ina. Kailanma'y di ko malilimutan ang sinabi nya ng mga sandaling yon.

"O sabi ko sayo bakla yang anak mo, e."

Sa edad na walo (o siyam), masyado na kong nasaktan sa sinabi nyang yon. Hindi ko na kailanman pinangarap pang magkaron ng Barbie. Kaya't pinagtiyagaan ko na lang na lagyan ng scotchtape ang mga naputol na leeg ng aking mga paper dolls at pinilit na makuntento sa paper doll na Tuxedo Mask kasama ang lahat ng mga Sailor Soldiers.



Speaking of Sailor Moon, ito ang naging dahilan ng pagiging malapit namin ng kaisa-isang babaeng niligawan ko sa tanan ng buhay ko. Inuulit ko: isa lang sya. Wag nyo kong husgahan.

Hindi ako sigurado kung kailan ba nagsimula ang ligawan portion, mamili ka na lang sa grade 1 at grade 2. Sya ang presidente ng klase sa parehong baitang. Sa mga mata ko, sya ang pinakaperpektong babae. Mabait, masipag, magalang, at matalino. Pero sa mga panahong ito, nahihirapan pa rin ako sa pagdedesisyon kung sino ba ang pinakaperpektong lalaki sa mga mata ko. Halos pare-pareho lang kasi ang pagtingin ko sa mga kaklase naming sina Richard, Josue, Stephen, Victor, Kurlz, Ronnel, Arthur, at Mark Johnson. Habang humahanga ako sa babaeng ito at sa iilan pang mababait, masisipag, magagalang, at matatalinong babaita, times ten pa ang bilang ng mga lalaking hinahangaan ko. Ewan ko talaga kung bakit hindi ko pa narealize na isa kong baklita.

(Note: Hinahangaan = Pinagpapantasyahan, oo sa edad na pito mahalay na ko)

Pero ni minsan hindi ko binigyan ng di magandang pakahulugan ang paghanga ko sa mga lulurking ito. Tulad na lang ng kawalan ng kahulugan ng bawat pagtalon-talon ko sa kama habang sinisigaw ang mga katagang "Sailor Venus, MAKE UP!"

Dahil si Sailor Jupiter ang paborito ni Rowena Joy A. Sanchez (o ayan na, napangalanan na ang mapalad na babae - may link pa o, pindot na!), gumuguhit ako ng larawan nito at pinapadala sa kanya kasama ng mga sulat na nagsasaad ng aking pag-ibig na hindi pwedeng hindi lagyan ng baby cologne. Matapos ang ilang buwang landian, ibinalita nya saking hindi pa sya handang magkaron ng kasintahan dahil masyado pa kaming bata. Nangako syang pagtungtong ng hayskul, maaari ko na ulit syang ligawan. Nalungkot ako. Ilang taon pa ang dapat hintayin. Mabuti na lang at nandyan pa rin sina Richard, Josue, Stephen, Victor, Kurlz, Ronnel, Arthur, at Mark Johnson upang paligayahin ako.

Sa kasamaang palad, hindi na kami nagkaroon ng ~one more chance~ nung hayskul. Dahil nung grade 5, tuluyan ko nang niyakap ang aking sarili. Nagising na lang ako isang araw at pinagsigawan sa aking school service na bading ako. Siguraduhin mong hindi mo nalaktawan yung salitang 'pinagsigawan,' a.

"Alam nyo ba....... BADING AKO!"

Walang labis, walang kulang. Yan ang mga eksaktong salitang nakapagpalaya sakin. Nakakapagtakang isang beses ko lang nasabi yan na nag-uumapaw sa conviction at passion. Masyado pa kong inosente at virgin sa edad na yon.



Magmula sa aking eureka moment sa school service hanggang ngayon, masyadong maraming tanong. Sunud-sunod ito, kabisado ko na nga, e. Laging mag-uumpisa sa "Alam ba sa inyo na bading ka?" tapos "Kelan mo sasabihin?" na susundan ng "Binubugbog ka ba ng tatay mo?" na may kasamang "Sundalo ba yung tatay mo?" kapag sinabi kong hindi, sasabihin namang "Kahit na, bubugbugin ka pa rin ng tatay mo!"

Kailangan talaga may bugbugan portion? Tapos sa huli lang yung mga tanong na "Kelan, paano, at higit sa lahat, bakit ka ba bading?"

Sa palagay ko, alam naman ng mga kapatid ko yung tungkol dito. Pakiramdam ko natitiktikan na rin ako ng tatay ko. Si ina lang talaga ang namumukod-tangi. Marahil in-denial lang sya, o baka isa sya sa mga naniniwalang pag bading ka, nagsusuot ka ng mga pambabae, may dede, at higit sa lahat, naglalagay ng eyeliner. At dahil tumumpak sakin ang isa sa mga requirements, nagsimula na syang maghinala.

Hindi talaga nakakatuwa yung pakiramdam ng may tinatago ka sa iyong loved ones. Pero ano naman ang dapat kong gawin, diba?

"Oy, mommy, just in case you haven't noticed, a. Bekbek ako."

Lucila Lalu. Wala namang kaekse-eksena. Kaya magmula grade 5, gusto ko talagang magkaron ng komprontasyon sa pagitan namin at nang magkaalaman na.

Sasabihin ko sa kanyang pinilit ko namang maging normal, e. Binalak ko talagang maging straight pagdating ng kolehiyo, kaya nga hindi ko 'muna' sinabi dahil gusto kong ayusin to ng mag-isa. Pero puro duduki yung mga kaklase ko nung 1st yr, 1st sem. Naglustay ako ng maraming-maraming pera para sa mga computer games, maka-bonding ko lang ang mga tunay na lalake, umaasang maambunan ng testosterone nila at maging mahilig din sa chicks. Pero sa paglulustay lang ng pera natapos ang lahat. Nahirapan lang ako lalo mag-out, shet.

Tulad nga ng sabi ni Donna Cruz, "Rain gently falls whenever we say goodnight."

Wala lang, gusto ko lang syang i-kowt. Ahihihi.



*Nakita ko sa kilos mo.. Wala ka ngang sinasabi, bitin tuloy ako.*

Nasira ang matiwasay kong pagmumuni-muni nang dahil sa isang babaeng ayaw mag-abot ng pamasahe. Tinititigan lang nya ang kamay ko habang inuulit-ulit kong isigaw ang "bayad daw.. BAYAD DAW! Puta naman, o."

Nang huminahon na ko matapos titigan ng masama ang pinutang babae, muli akong pumikit at bumalik sa pagninilay.


Alam kong ang komprontasyong naganap ay halos isang dekada ko nang inaasam-asam. Pero pinalagpas ko lang ito sa pamamagitan ng pananahimik.

Ewan ko lang, ina, pag inamin ng panganay mong lalaki ang kabadingan nya kung, tulad ni Donna Cruz, maging hanggang langit din ang lundag mo.
linkReply

Comments:
[User Picture]From: aliwally
2008-10-31 10:14 pm (UTC)
'Di ko alam kung pano magre-react. O_O Andami kong nararamdaman tas 'di ko sila ma-express OMEYGEEEEED!

Hmmm. 'Di ko naintindihan kung totoong nangyari 'yung confrontation. Hahaha. Enlighten me, bitch. Kung hindi, ngayon na lang!

'Di ko rin alam na nag-out ka sa school service puta. Hahaha. Para kaseng grade 4 pa lang alam ko nang bading ka. Parang unspoken truth or something. Tas wala palang may alam!

3 lang ata 'yung kilala ko sa mga lalaki mo! Sino 'yung ibaaa? Hahaha.

Puta, sumisigaw ka ng "Sailor Venus, make up?" WAHAHAHA.

Hihihi, naaalala ko 'yung ke Rowena. Nung naging magkaklase kami nung Grade 3 tas tinuturo ka niya sakin. Hahaha. (Sorry Weng, binuking kita sa cyberspace.Forgive me! Haha.) Kakakiligzzz! ♥

Magkita na nga tayo ulet! Wurla lang. :))
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-01 05:59 am (UTC)
Ba't di mo maexpress?! Oo totoong nangyari yon! Imaginin mo na lang kung gano ko kinabahan diba. Ayos na ayos na yung buhok ko pero hila pa rin ako nang hila hanggang hindi pa umaalis sa tabi ko si ina. Haha.

How durr you! Ang straight-straight ko kaya nung grade 4! Basta nung grade 1 at 2 lang yang mga lalaking yan. Di pa kasali yung mula grade 3 to 4th yr. Andami non putsa.

Hahaha. Ang hawt ko kasi nung grade school e. Hindi mo talaga masisisi si Rowena. :D

Oo gagu magkita tayo sa Wednesday! Gusto kong mag-ehersisyo. Badminton tayo sa Sangandaan kasama si Wenggay, magkausap kami kahapon e. Nagpaalam akong ilalagay ko yung pangalang nya dito. Hehe.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: emoticka
2008-11-04 01:23 pm (UTC)
Wahaha Ali wala na binuko mo na ang mga kalandian ko kay Papa Drew! Hehehe. Okei lang, masaya magreminisce! :D
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-05 11:00 am (UTC)
Hahaha anlandi mo pala 11 yrs na ang nakakaraan. Shet, 11 yrs?! Antatanda na natin. :(

Pero grade 3 naman yon e. Malalandi lang talaga tayo! Haha. Nga pala, napapansin mo bang mabango yung mga sulat ko sayo non? =))
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2008-11-01 03:36 pm (UTC)
WAHAHAHA!!! putangina tawa ako ng tawa habang binabasa ko to. :)) at si rowena pala ang nagiisang niligawan mo OMG hahaha akala ko simpleng crush lang ito yun pala memorable syang tunay! hahahaha!!


teka lang...ano sabi mo nung tinanong ka ng nanay mo in english?? ahh basta sorry na dahil di ka naging straight sa mga pictures ko. :))
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-01 10:51 pm (UTC)
Kerek, nag-iisa lang talaga. Ikukwento ko sayo yung ligawan namin tapos tuksuhin mo sya everyday. Hahaha.

Wala nga akong nasabi e. As in dedma. DEDMA, gagu. Siguro kailangan mo lang maghubad sa harap ko, Hernss. Try natin dali!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: pretty_nymph
2008-11-04 02:44 pm (UTC)
tara try natin baka maliitan ka saken. =)) wahahhaa pero dahil mahilig ka sa maliit na booblets baka nga pweydiii na. hahaha!

taena bat pala dinedma mo si tita?! (at talagang close kami tita ang tawag ko sa kanya, epektos pa nga pooo...hahaha!) dia SILENCE MEANS YES?? hahaha!
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-05 11:05 am (UTC)
HAHAHAHAHA! Oo parang close na close na kayo dahil kilalang-kilala na nya yang mga dede mo. Laging tungkol dyan yung tinatanong ko sa kanya. More epektos? Itry mo naman yung ibang brand para hindi lumusog si Tina. :D
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: tristantrakand
2008-11-02 03:41 am (UTC)
Nung bata ako, sumisigaw din ako ng "Sailor Venus, Make Up!" Wala yatang batang bading na hindi naimpluwensiyahan ng Sailor Soldieers. XD
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-04 01:08 am (UTC)
Hahaha! I know! Sailor Moon talaga ang may kasalanan ng lahat e. XD
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: jeizy
2008-11-04 08:14 am (UTC)

wat

waw may ganyang moment haha nice

ako din pevborit ko ang sailor moon when i was small pa hehe
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-05 11:12 am (UTC)

Re: wat

Wonga e, nakakakaba diba?!?

O dali maglaro tayo ng Sailor Moon! Haha. Ako naman si Sailor Mercury para tali-talinuhan effect.
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: emoticka
2008-11-04 01:20 pm (UTC)
Friendship! wah ngayon lang ako nakarep.
Grabe, napabaliktanaw ako! Hehe. Kaso nabitin ako sa kuwento mo! Haha, chos! Naalala ko dati tinutukso nila ako na girlalu ka, pero hindi ako nagpadala. Haha, alam ko na pala nun ang "love is blind". hehehe. :D
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-05 11:17 am (UTC)
NAMAN! Bulag-bulagan talaga ito. Alam na alam ko namang sinasabi nila sayo mula pa nung grade 5 at alam ko ding hinihintay mo lang na aminin ko sayo. Ahihihi.

Binitin ko talaga. Ang haba na kasi e. Di bale. :D
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-11-14 09:52 am (UTC)
wow kung wow BFF! tulala ako sayo :D
natawa ako dun sa talagang may bugbugan portion?haha.angkulet

syet na moment yun ah tinanong ka ng ermat mo kung bakla ka?grabeng moment yun ah diko carry yun.hehe
-girlindlibrary
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-15 02:23 am (UTC)
Hehe. Thanksssss, BFF! Kinilig naman ako. :D

Haynako hindi ko rin kinaya ang tensyon. Tapos ngayon sobrang nagsisisi ako na hindi ako sumigaw ng "YES YES YES YES VEHYKLA AKO, YES!!!!"

Di bale, magdadala na lang ako ng boypren sa bahay. :)
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2008-11-22 01:56 pm (UTC)
Ahahaha... oo nga walang utong si Barbie. Yung ginagawa ko noon kay Barbie ay dino-drawingan ko sya ng utong.

Ang ganda ng post na ito.

Ang galing mo talaga!

-Patricia



(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-11-23 02:11 am (UTC)
Patricia!! Kulang talaga yung experience pag walang utong na malalapirot e no? Hahaha.

Salamaaat! Kitakits sa office (pag walang tao). XD
(Reply) (Parent) (Thread)
[User Picture]From: wikedwhitch0
2008-12-10 10:34 am (UTC)
I was holding on to my heart's edges while reading this. Kung pumupiyok na "hindi" o Darna (sabay lunok ng bato) ang isasagot mo.
(Reply) (Thread)
[User Picture]From: ilovedicklit
2008-12-19 05:45 am (UTC)
Well, none of the above! XD

OO NA, Clinique nga lang pala sya. Sayo pala binigay ni Mitch yung Chanel tanginamo. Wala na you ruined everything na. Hahaha. Hindi ko kasi tinitingnan yung brand e. Sorry readersss, nilinlang ko kayo!

Anyhow, nakauwi ka na ba ng Pilipinas?
(Reply) (Parent) (Thread)
From: (Anonymous)
2010-04-14 04:56 am (UTC)
pahamak ka punyeta nasa opisina ako habang binabasa to. nagtatatawa ako mag-isa. akala ata sakin nasisiraan ng bait.. di pa naman ako mahilig makipagsocialize!
naiinis ako sayo. you had the perfect chance to make it a big scene, tas nagpaka typical andrew ka na naman! hahaha
love you hon!

-Pam
(Reply) (Thread)